Medyo kinakabahan ako sa gown ng ate ko. All our ento’s gowns kasi will be made of tafetta except hers. And last Saturday ko lang nalaman na ‘pag iba ang tela, iba rin ang magiging shade even if pareho lang ng color. The gown she chose kasi is made of chiffon and lace. The lining is satin. All of the gowns are in old rose but iba talaga yung kulay ng kanya kasi iba yung tela. Kakaiba rin yung lace may mga embroidery siya na medyo orangy hue. Wala na kasi ibang lace na old rose sa Divi when we went scouted. Ano ba itong nagawa ko ? Huhu. Sana di magmukang sarimanok ang ate ko.
My ento gowns din parang naiba ng color. Hay. I was envisioning this classic old rose — dusty rose; yung pink pero patay na pink na di matingkad. Pero dahil tafetta sila according to the mananahi at yun ang shade ng tafetta na old rose, wala ko magagawa. Wala rin naman daw ibang alternative na magandang tela. Wala rin ibang pink na tafetta na malapit sa motif ko at maganda sa aking paningin. The color crosses lilac already and I’m not a big fan of violets although elegant naman yung dating. Medyo off-motif na nga actually also with the belts na naging mocha-gold instead of matte gold dahil ‘yun na rin pinakamalapit sa gold nila na satin. Hay. Wish ko lang maganda pa rin ang kalalabasan nito on the wedding day. ‘Pag nagkataon nito ang pangalan na ng theme namin ay “All shades of pink in the color wheel” instead of “romance and a bit of rock”. Hehe.
Leave a Reply