Dahil sa wala naman gaanong nagviview ng blog namin at hindi ko ma-access ang post tab ng w@w (pamatay na websense) at dahil naisip ko na pwede ko pa bigyan ng isang chance ang mananahi namin, dito na lang ako magvevent out.
I called our “not-so-trusted” mananahi this morning. Di kasi siya lagi nagrereply when I text her and madalas walang sumasagot sa landline nila. Sa awa ng Diyos, after 15 rings may sumagot na. Nasa labas na naman siya. After waiting for 5 minutes eh natawag rin itong si mananahi. I asked her if nareceive niya yung message ko about Grace’s gown, that she needs to have her first fitting before May 25th kasi mag-aabroad siya and balik niya na ay days before the wedding. Okay daw by next week.
Kinamusta ko rin ang trash the dress gown ko. Dito nag-init ang ulo ko. Two weeks ago nag-usap kami, sabi ko by May 8 kailangan ko na iyon dahil May 10 ang TTD shoot namin (actually nagsinungaling lang ako, 25 pa ang shoot pero dahil nararamdaman ko na na medyo may pagkabatugan tong si aleng mananahi, inagahan ko na lang). Oo daw. Ngayon tinanong ako “kelan nga uli iyon?” Sabi ko, “May 8 ho. Di ba nag-usap na po tayo last time na May 8 kukunin ko, okay kamo?”. Para siyang nagitla at sinabing “Ay! nawala sa isip ko!”. Parang gusto kong sabunutan ang ulo ko. “Eh kelan ko po siya puwede makuha? Next week na ho ang photoshoot namin, ififit ko pa yun uli at ipapadry clean.” Ang kasagot -sagot ng magaling ay, “Ewan ko…” Itetext niya na lang daw ako by next week kasi hindi niya raw kaya tapusin by this Friday na.
Kung maigsi lang ang pasensya ko ay namura ko na tong ale na to. Imagine March 28 pa ko nagbook at nag DP sa kanya. The next day agad binigay ko sa kanya lahat ng tela ng para sa ento at sa gown ko. 2 months na halos ang lumilipas mula binigyan ka ng pera at tela at 3 months na lang kasal ko na pero kahit kakarampot na lining eh wala ka pa nagagawa? Susmaryosep naman. Tapos tuwing pupunta pa ko dun sa kanila eh either nagbibingo siya o nakatambay sa labas ng bahay na kala mo wala siyang deadline. Sinasabi ko na nga ba at malakas ang kutob ko na talagang kahit isa wala pa nasimulan.
Gagawa na lang ako ng bagong acknowledgment receipt. Ilalagay ko lahat ng dates na kailangan tapos na niya yung gowns at papapirmahin ko siya uli. Pag hindi siya tumupad ipupull out ko ang lahat ng orders sa kanya at magbabayad siya.
Ako tuloy ang nahihiya para dun sa taong nagrefer sa kanya sa kin. Taga-w@w pa man din kaya kahit suntok sa buwan at wala akong proof pa kung magaling siya talaga, binook ko siya dahil sa mura siya, accessible kaysa divi at taga-w@w ang nagvouch na pulido siya gumawa at maganda. Nakakahiya dun sa tao, proud pa naman sa kanya.
Kung sino man ang makabasa dun sa Our Suppliers section, scrap Aling Baby out of your list. Better safe than sorry na rin di ba. Marami pa rin mura at magaling na mananahi diyan, sa Divisoria o kaya sa Binondo.
Leave a Reply