ni Ramon C. Sunico
kung sasabihin ko
na hanap-hanap ka
ng aking mga tula.
kung tuwing umuulan
isip-isip ko ang init
ng ating katawan.
sa langit ang lahat ng bituin,
Ngayon, sukatan lamang ang buwan
ng layo mo sa akin.
ang simulan ko’y
sa iyo rin nauuwi.
Sa bawat aklat
na aking buklatin
naroroon ang iyong tingin
may sarili kang tanong
na dapat sagutin;
may sarili kang misteryo
na dapat harapin.
Huwag magmadali: panahon ngayon
ng liwanag at sari-saring dilim;
Oras ng sugat at lamig
at ng paurong-sulong na pagpapaumanhin.
pinakamatalik kong kaibigan,
huwag ka sanang magagalit
huwag ka sanang maiilang
kung aking sasabihin
naaamoy kita,
na tuwing pumipikit ako,
ikaw ang nagiging umaga.
Leave a Reply