Noong mga sinaunang panahon, ang pagiging tunay na lalaki sa kulturang Pilipino ay nababase sa pagiging maginoo o “gentleman” niya. Ito ay maipapakita sa mga tunay na kasi-siyang gawain gaya ng pagsabi ng po at opo, pagpapauna sa mga babae sa upuan o sakayan, pagsisibak ng kahoy, panliligaw ng may kasamang harana at marami pang iba.
Subalit, sa pagdaan ng panahon eh nag-evolve na ang pamantayan sa pagiging tunay na lalaki para sa mga Pilipino. Iba na ang konsepto ng tunay na lalaki ngayon. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kapuna-punang ideya sa mga ito.
*PAUNAWA: Ang mga ito ay pawang sariling opinyon lamang. Wag masyadong seryosohin.
UNA: Ang tunay na lalaki ay hindi naliligo.
PANGALAWA: Ang tunay na lalaki ay hindi nagsasaplot pang-itaas kapag tumatambay o nakikipag-inuman sa kalsada. Seksi kaya ang beer belly.
PANGATLO: Ang tunay na lalaki hindi nagpapaupo sa bus o MRT. Ano ka? Hilo?
PANG-APAT: Ang tunay na lalaki umiihi marunong umihi kung saan-saan.
PANGLIMA: Ang tunay na lalaki, walang arte pagdating sa pagluwa ng dahak. Go lang ng go!
PANG-ANIM: Ang tunay na lalaki, marunong mangulangot sa pampublikong lugar.
PANGPITO:Ang tunay na lalaki, hindi nagsusuklay, nagpupulbo o nanalamin.
PANGWALO: Ang tunay na lalaki, di tumatanggi sa tagay, kahit makatulog na yan sa mesa o burak – tagay lang ng tagay!
Haw bawt chu? Wachutingk?
Leave a Reply